Thanks for the clarification, Erick.
Whew, hindi pa talaga matapos-tapos ang mga tsismisan, kahit tapos na ang 3 batches ng seminar.

Anyway, on this note, may tumawag sa akin kahapon, dahil meron daw 3 tumawag sa kanya at ang tanong, kung sila daw ang nag-oorganize ng Thai Culture Seminar na gagawin daw sa Embassy. Kasi daw, dinig nila, mura daw doon at fake daw ang ibinigay na certificate sa mga naunang batches.
Ang sagot noong pinagtanungan ay ganito: Andoon ako noong ibinigay ang certificates, at yung pumirma mismo ang nagbigay ng certificates sa venue ng seminar. At kaya 2,600 lang ang rumored na seminar na gagawin daw sa Embassy dahil hindi kasama doon ang bayad sa venue at sa food.
Now sa issue ng pagiging fake, sinagot na ni Erick ang tanong na yan. Sabi nga ni Erick kahapon, may tumawag din sa kanya na participant na nagtatanong dahil pumunta daw siya sa Immigration at hindi daw alam doon ang tungkol sa certificate.
To the participants naman, huwag po kayong pumunta ng Immigration o ng MOE, kasi po sa Teachers Council of Thailand po kailangan ang certificate sa Thai Cullture.
Doon naman sa gustong mag-join sa seminar na to, paki-check niyo naman kung saan galing ang mga rumors na kesyo fake ang certifcate na ibinigay sa mga naunang batches. It seems na merong nagkakalat ng rumor na yan, but what's silly about it is, it is still also PSTAT (with Dr. Usira) that people are contacting about the seminar.
The information that has been posted here about these seminars have been transparent. May mga phone numbers at full names ng mga taong involved. May address pa ng PSTAT. Kaya naman sana, doon sa mga gustong manira, tigilan na po kung puwede. The more help the Filipino teachers get, the better. Concentrate na lang sana tayo doon sa pagtulong.
Ang deadline ng seminar na 'to dapat ay July 2008. Instead na manira ng Siam Pinoy o ng kahit ano pang ibang grupo, focus na lang po sana lahat sa kung ano ang kailangang gawin. Kawawa naman po ang ordinaryong teachers na ang gusto lamang ay matapos na ang seminar dahil kailangan na nila ang kanilang license para makapagtrabaho ng maayos dito sa Thailand.
5 institutions lang po ang pwedeng magbigay ng authentic, legal at recognized na seminar sa Thai Culture. Paki-check niyo po with your bosses, your schools, your agencies, etc, kung ang PSTAT ay isa sa mga to o hindi. Then, make your decisions.
Pinoy teachers out there who came after 2003, you only have very limited time to finish this requirement. There are already teachers whose licenses were not renewed because they don't have this requirement yet. I strongly suggest, you make your own research, and not rely on rumors or hearsay, then make your own decision about it NOW, before it's too late for you.
Mag-isip po tayo ng malalim, dahil kung tayo ay susunod lamang sa kagustuhan ng iba, trabaho po natin ang nakasalalay. Time is of the essence here and the more you delay, the more you put yourselves in a difficult situation. You decide...
Magandang umaga po, Siam Pinoy!