pre, kailangan mo na kumuha ng thai driving license... ako dun kumuha sa chatuchak LTO..
malaking ginhawa yang motor pre lalo na kung mag-grocery ka at malayo ang grocery sa inyo...
a few motosay road rules pre...
1. sa hiway, always keep left lalo na kung may checkpoint....
2. dito kahit linggo may checkpoint, minsan halos isang buong batalyon ng police station nasa checkpoint, pipiliting makahanap ng violation yang mga pingpong boys hanggang di ka umaamin na ikaw pumatay kay rizal
3. always wear helmet lalo na kung lalabas ka ng main road, kung within inner soi ok lang... angkas na walang helmet, hinuhuli rin minsan...
4. wag gagamit ng busina unless naghahanap ka ng away

5. don't bring your motosay sa inuman na aabutin ka ng past midnite, yang mga time na yan nagsesetup ng checkpoint hanggang mga 3am...
6. during stops sa major intersections pre, wag gagaya sa makukulit na motosay na tumatawid kahit red lite pa... baka may buwaya na nakaabang sa kabila or may hagad sa likod mo... ito ang huling violation ko na nasabay sa expired kong lisensya - 400+400=800
