January 07, 2009, 11:06:53 PM

Pages: [1]   Go Down
  Send this topic  |  Print  
Author Topic: Bago Maghanap ng Trabaho sa Thailand, Sundin ang mga Tip na Ito:  (Read 509 times)
buddhist punk
SP Core
SP Elite Member (1000+ Posts)
***************

Karma: +81/-11
Favorite drink
Raki

Posts: 1117
Referrals: 0

Dahlin'! How good to see you!

« on: November 17, 2008, 05:29:21 AM »

Mga kabayan, may mga ilan po sa atin na pumupunta dito sa Thailand sa sabi-sabi ng iba na madaling makakuha ng trabaho bilang guro [o kahit anumang trabaho]. Hindi po tutoo yan, matumal ang trabaho para sa mga Pinoy teachers ngayon. Marami pong dahilan sa sitwasyon na ito, may mga thread at post sa forum na nagpapaliwanag niyan.

Wag po sanang basta nalang sumusugod sa walang kasiguruhan, plano, o pera man lang. Kung di po tayo "wais", kung di po natin gagamitin ang ating talino, ay mamalasin po tayo talaga. At wala tayong masisi na iba kungdi ang sarili natin.

Eto po MGA TIP sa mga kabayan natin na nais magturo sa Thailand:

  • Evaluation ng sarili: alamin po kung ano talaga ang kaya nating ituro ng mabuti. Ikaw ba ay pang elementary, High School or college level?

  • Mahalaga ang experience dito sa Thailand; ilang taon ka na ba nagtuturo? Parehas ba or consistent ang tinuturo mo or nag-shift ka bigla? May teaching license na po ba? May Masters? Educ grad po ba tayo, o nag BA tapos kumuha ng lisensiya.

  • Do your homework: laganap at mura ang internet sa lahat ng mall at bawat kanto, mga P20 lang kada oras. Mag-research po muna kung ano ang mga posibleng job openings dito. Ayon sa madaliang survey ang hinahanap nila ay mga English Language teachers.

  • Mahirap basahin ang mga website ng lokal na eskwela dahil ito ay nakasulat sa kanilang salita. Minsan may English translation. Please naman alamin po natin ang schedule ng school year nila. Wag po nating aasahan na kukuha sila ng guro sa kalagitnaan ng school year.

  • Isa sa mga dapat alamin ng English Language teachers na may balak magturo dito, kelangan po napakagaling ninyo sa English. Ang katapat ninyo dito ay yung mga tinatawag na Native English Speakers. At minsan, kahit na may American accent ka, kapag nakitang Pinoy ka, ay di ka tatanggapin. Gusto nila ng puti, Kano, ganon lang po kasimple yon.

  • Parehas lang po sa mga subject specialist teachers, including SPED. Sa madaling salita, kung may makukuha silang puti, ay ito ang pipiliin kaysa sa atin. Kung wala silang makuha [halimbawa alam kong mahirap maghanap ng Science or Math teacher sa mga "kaputian" na iyan]at saka sila nagiisip kumuha ng Noypi

  • Maghanda ng sapat na pera. Ibig ko pong sabihin ay maghanda po tayo na hindi magiging tagumpay ang ating pag-aapply ng trabaho. Gaya po ng sinabi ko sa isang ka-forum natin dito, wag po ibuhos ang lahat ng pera sa isang pag-asa lamang. Dapat maging "wais" po tayo. Kung hindi tagumpay sa umpisa, may susunod pa na araw.

  • Kung wala pong mahanap online, subukan magtanong sa POEA. Ayon sa POEA marami na po silang branch. May listahan po sila ng mga bansang kelangan ng titser.

  • Maghanda po tayong tumanggap ng maliit na sahod muna sa umpisa. Ito pa ay malaking concern o problema ng mga titser dito. Noong mga 5 years ago, mataas pa ang offer na sahod sa mga Pinoy sa kahit anong field. Nagbago po ito nang ang mga lokal ay naging magaling na rin sa subject or field na ituturo, lalu na sa English.

  • May mga bagong requirement na po dito sa Thailand para sa mga guro: ang Thai Culture and Training seminar kung saan kapag naka-attend ka na nito, ay bibiyan ka ng certificate. At saka ka palang makakakuha ng Teacher License Exam na napakahirap daw ipasa. Kung hindi pasado I think may Take 2. Not sure doon pero kapag di talaga maipasa,

Sana ay makatulong ito sa mga may balak pumunta dito nang maiwasan ang pagsisisi, kalungkutan, pighati sa huli. Iwasan po ang "bahala na" na ugali natin, dahil kabuhayan natin ang nakataya.

Please add dito sa mga tip na ito, mga teachers. Thank you po.

Logged

I don't aim to please, I just aim
buddhist punk
SP Core
SP Elite Member (1000+ Posts)
***************

Karma: +81/-11
Favorite drink
Raki

Posts: 1117
Referrals: 0

Dahlin'! How good to see you!

« Reply #1 on: November 17, 2008, 11:32:58 AM »

bumping in case it will save someone from heartache.
Logged

I don't aim to please, I just aim
erick
SP Core
SP Elite Member (1000+ Posts)
***************

Karma: +110/-12
Favorite drink
Tequila Sunrise

Posts: 1331
Referrals: 1

« Reply #2 on: November 18, 2008, 12:35:14 PM »

Karagdagang payo:

1. Mag-ingat sa mga 'illegal recruiters' o di kaya'y mga taong nag 'pro-promise' ng trabaho dito sa Thailand.  Kung meron man kayong pera galing sa bulsa at hinde galing sa 'utang', mas ma-inam na kayo mismo ang pumunta dito at alamin ang totoong tsansa ninyo para makakuha ng magandang trabaho. Karamihan ang nabibiktima ay mga taong 'inutang' pa ang pamasahe't pangtustos ng gastos nila dito hanggang sa maubos na ito at wala pa rin silang nakikitang magandang trabaho.

2. Isa sa mga dahilan kung bakit bumaba na ang sahod ng mga Filipino teachers dito ay ang pagdagsa ng maraming Pilipinong naghahanap ng trabaho.  Sa ngayon, ang tingin ng mga employers sa mga Pilipino ay pwede ng tumaggap ng 15K na sahod. Ang iba, tumatanggap na rin ng mas mababa. Kung kaya't marami ring mga Pilipino ang nawawalan ng trabaho dahilan nito. 

3. Pag-aralan kung paano ang mga puti ay magsalita ng English.  Ito ay makakatulong upang makakuha ng medyo magandang sahod.  Ang isa sa mga problema ng Pilipino ay ang paraan sa paggamit ng English sa pananalita kung saan napalakas ang impluwensya ng una nating linguahe sa Pilipinas. Dito sa Thailand, tatlo ang unang tinitignan ng mga employers:
a. pananamit
b. itsura
c. pananalita ng English na para bagang ikaw ay pinanganak sa Amerika

Logged

love isn't a decision, it's a feeling...if we could decide who we love it could be much simpler but much less magical...
Madam H
Inner Mods
Platinum Member
*****

Karma: +138/-7
Favorite drink
Raki

Posts: 938
Referrals: 0

Character is what you do when no one is looking.

« Reply #3 on: November 18, 2008, 01:53:06 PM »

Amen po sa lahat ng sinabi ni BP at Erick. minsan, pag may narinig tayo na magandang experience ng isang Pinoy na nag abroad, alsa balutan din tayo at punta doon sa same place kung saan maganda "daw" ang trabaho at buhay. Well, "maganda" will have different meanings for different people. Kaya nga, to echo and to re emphasize what has been said, research po ng sangkatutak, bago lumarga. Hwag pong ibenta muna yung kaisa isang kalabaw ni itang o isangla yung lupa't bahay pambayad sa agent (daw). Baka kalabasan niyan, illegal recruiter pala yun. Yay na naman!
Logged
Madam H
Inner Mods
Platinum Member
*****

Karma: +138/-7
Favorite drink
Raki

Posts: 938
Referrals: 0

Character is what you do when no one is looking.

« Reply #4 on: November 19, 2008, 02:22:01 AM »

Words of caution lang po:

Huwag na huwag pumunta ng Thailand pag hindi ka pa tapos ng degree mo, whatever it is. Irere-emphasize ko lang to, Beeps. Ang mga trabaho na pwede sa Thailand ay bilang teacher, engineer, IT, NGOs, service industry (working in hotels, for example). Dagdagan niyo na lang po, mga ka-Siam Pinoy, kung may na-miss ako. Pero most of the time, ang mga nasa IT o engineering, sa Pilipinas sila hinahire. Yung mga dito na nag apply, kokonti lang ang kakilala ko na nakahanap agad ng trabaho.

To save you and your family heartaches, huwag bastang pumunta dito on a whim. Huwag na pong magbakasakali at baka instead na tulong ang maibigay mo sa pamilya mo sa Pinas, baka maging burden ka pa pag kinailangan nilang magpadala ng pera after 6 months dahil hindi ka pa nakahanap ng work. Of course, it's a different story kung may kakilala o kapamilya ka dito. O kaya'y ready kang mag spend ng pera just to try things out here. And if it doesn't work, you are ready to pack up and go home. If that is your situation, then by all means, halina at maging Siam Pinoy ka na rin!  Dance Girl

Logged
Steve St. John
KEEP THE faith!
SP Core
Platinum Member
***************

Karma: +48/-28
Favorite drink
Pina Colada

Gender: Male
Posts: 936
Referrals: 0

Show your best moves!

« Reply #5 on: November 19, 2008, 05:04:31 AM »

•Evaluation ng sarili: alamin po kung ano talaga ang kaya nating ituro ng mabuti. Ikaw ba ay pang elementary, High School or college level?

•Mahalaga ang experience dito sa Thailand; ilang taon ka na ba nagtuturo? Parehas ba or consistent ang tinuturo mo or nag-shift ka bigla? May teaching license na po ba? May Masters? Educ grad po ba tayo, o nag BA tapos kumuha ng lisensiya.

•Do your homework: laganap at mura ang internet sa lahat ng mall at bawat kanto, mga P20 lang kada oras. Mag-research po muna kung ano ang mga posibleng job openings dito. Ayon sa madaliang survey ang hinahanap nila ay mga English Language teachers.

•Mahirap basahin ang mga website ng lokal na eskwela dahil ito ay nakasulat sa kanilang salita. Minsan may English translation. Please naman alamin po natin ang schedule ng school year nila. Wag po nating aasahan na kukuha sila ng guro sa kalagitnaan ng school year.

•Isa sa mga dapat alamin ng English Language teachers na may balak magturo dito, kelangan po napakagaling ninyo sa English. Ang katapat ninyo dito ay yung mga tinatawag na Native English Speakers. At minsan, kahit na may American accent ka, kapag nakitang Pinoy ka, ay di ka tatanggapin. Gusto nila ng puti, Kano, ganon lang po kasimple yon.

•Parehas lang po sa mga subject specialist teachers, including SPED. Sa madaling salita, kung may makukuha silang puti, ay ito ang pipiliin kaysa sa atin. Kung wala silang makuha [halimbawa alam kong mahirap maghanap ng Science or Math teacher sa mga "kaputian" na iyan]at saka sila nagiisip kumuha ng Noypi

•Maghanda ng sapat na pera. Ibig ko pong sabihin ay maghanda po tayo na hindi magiging tagumpay ang ating pag-aapply ng trabaho. Gaya po ng sinabi ko sa isang ka-forum natin dito, wag po ibuhos ang lahat ng pera sa isang pag-asa lamang. Dapat maging "wais" po tayo. Kung hindi tagumpay sa umpisa, may susunod pa na araw.

•Kung wala pong mahanap online, subukan magtanong sa POEA. Ayon sa POEA marami na po silang branch. May listahan po sila ng mga bansang kelangan ng titser.

•Maghanda po tayong tumanggap ng maliit na sahod muna sa umpisa. Ito pa ay malaking concern o problema ng mga titser dito. Noong mga 5 years ago, mataas pa ang offer na sahod sa mga Pinoy sa kahit anong field. Nagbago po ito nang ang mga lokal ay naging magaling na rin sa subject or field na ituturo, lalu na sa English.

•May mga bagong requirement na po dito sa Thailand para sa mga guro: ang Thai Culture and Training seminar kung saan kapag naka-attend ka na nito, ay bibiyan ka ng certificate. At saka ka palang makakakuha ng Teacher License Exam na napakahirap daw ipasa. Kung hindi pasado I think may Take 2. Not sure doon pero kapag di talaga maipasa, wagnang mag lustay ng pera pa.

This is absobloodylutely true.
Logged

Franz
You're alone... bcoz you're faster than the others, but not stronger
SP Elite Member (1000+ Posts)
*

Karma: +314/-16
Favorite drink
Long Island Tea

Gender: Male
Posts: 3418
Referrals: 0

Very visually dynamic. I chose my stage well.

« Reply #6 on: November 19, 2008, 06:49:40 AM »

  • Maghanda ng sapat na pera. Ibig ko pong sabihin ay maghanda po tayo na hindi magiging tagumpay ang ating pag-aapply ng trabaho. Gaya po ng sinabi ko sa isang ka-forum natin dito, wag po ibuhos ang lahat ng pera sa isang pag-asa lamang. Dapat maging "wais" po tayo. Kung hindi tagumpay sa umpisa, may susunod pa na araw.

I totally agree with BP on this tip. You should have enough resources to spend just in case you will have a hard time getting the right job for you. Unless of course you have a relative here or someone willing to assist you financially until such time you get the job. The reason why many people become indebted in a Foreign land is because they are not so prepared. Di ba ang sundalo bago sumabak sa giyera sinisigurado na armado sila at may sapat na paghahanda? Ganun din po dapat tayong nagbabaka sakali sa isang bansang banyaga...

Logged

I had an adrenaline rush. It's very common. You can Google it.
siam
Newbie
*

Karma: +0/-3
Favorite drink
AmerettoSour

Gender: Female
Posts: 17
Referrals: 0

« Reply #7 on: December 10, 2008, 03:35:44 AM »

salamat po sa mga tips
Logged
Lynne
Newbie
*

Karma: +0/-0
Favorite drink
AmerettoSour

Posts: 3
Referrals: 0

« Reply #8 on: Today at 05:09:54 AM »

 Maraming salamat  sa mga payo ninyo. balak ko nga pala magturo sa Thailand kaso natatakot nga ako kc mahirap un sumabak sa isang lugar na iba un lenggwahe. May experience ako magwork sa Korea bilang english private tutor at ngayon online tutor na lng d2 na kc ako pinas. Iniisip ko nga sana na kung mag tour muna ako at obserbahan ko kung kaya ko makahanap ng work aside from teaching english. Kung 15K lng papasweldo nila sa Thailand sa akin eh mas mabuti d2 na lng ako sa pinas at mas malaki pa sa2hudin ko sa kol center hehehe.  Tama ba e2ng gagawin ko? May pamasahe naman ako at konting savings bago ako sumugod ng Thailand kumbaga try ko lang. Salamat sa lahat ng mga payo nyo!  Cheerleader
Logged
erick
SP Core
SP Elite Member (1000+ Posts)
***************

Karma: +110/-12
Favorite drink
Tequila Sunrise

Posts: 1331
Referrals: 1

« Reply #9 on: Today at 09:24:08 AM »

Maraming salamat  sa mga payo ninyo. balak ko nga pala magturo sa Thailand kaso natatakot nga ako kc mahirap un sumabak sa isang lugar na iba un lenggwahe. May experience ako magwork sa Korea bilang english private tutor at ngayon online tutor na lng d2 na kc ako pinas. Iniisip ko nga sana na kung mag tour muna ako at obserbahan ko kung kaya ko makahanap ng work aside from teaching english. Kung 15K lng papasweldo nila sa Thailand sa akin eh mas mabuti d2 na lng ako sa pinas at mas malaki pa sa2hudin ko sa kol center hehehe.  Tama ba e2ng gagawin ko? May pamasahe naman ako at konting savings bago ako sumugod ng Thailand kumbaga try ko lang. Salamat sa lahat ng mga payo nyo!  Cheerleader

tama ka sa iyong desisyon....sa ngayon pababa ng pababa ang sahod ng mga guro dito...mas maiging subukan mo lang kung meron dito...ihanda ang mga documents mo at extrang pera para sa transportation dahil mas OK pa rin ang walk-in interviews...

good luck!

Logged

love isn't a decision, it's a feeling...if we could decide who we love it could be much simpler but much less magical...
buddhist punk
SP Core
SP Elite Member (1000+ Posts)
***************

Karma: +81/-11
Favorite drink
Raki

Posts: 1117
Referrals: 0

Dahlin'! How good to see you!

« Reply #10 on: Today at 02:32:50 PM »

Maraming salamat  sa mga payo ninyo. balak ko nga pala magturo sa Thailand kaso natatakot nga ako kc mahirap un sumabak sa isang lugar na iba un lenggwahe. May experience ako magwork sa Korea bilang english private tutor at ngayon online tutor na lng d2 na kc ako pinas. Iniisip ko nga sana na kung mag tour muna ako at obserbahan ko kung kaya ko makahanap ng work aside from teaching english. Kung 15K lng papasweldo nila sa Thailand sa akin eh mas mabuti d2 na lng ako sa pinas at mas malaki pa sa2hudin ko sa kol center hehehe.  Tama ba e2ng gagawin ko? May pamasahe naman ako at konting savings bago ako sumugod ng Thailand kumbaga try ko lang. Salamat sa lahat ng mga payo nyo!  Cheerleader

Corek ka jan, Lynne. Yan din ang sentimiento ng maraming nagtuturo na dito.

Isa pang tip for now:
I have it on good word na ang Singapore ay nangangailangan ng mahigit sa 3,000 na guro for the coming school year. Maraming bagong gawa na eskwela sa SG at ang paghahanap ng guro ay naging isang important mission ng kanilang gobyerno. All levels and many subject areas po ang kinakailangan. For sure kasama na English subjects dito.

Ang nagsabi po nito sa akin ay school administrator, so she would really know the facts. So aralin din ang posibleng area na ito.

Kung talagang gusto mo dito sa Thailand magturo dahil mas komportable ka, try mo muna online application. May mga asosasyon dito ng mga pribado at gov't and other schools na may mga website. Ang strategy mo, email ka ng application letter o tawagan sila, banggitin na magbabakasyon ka dito, humingi at mag schedule ng interview. Sa ganun pagdating mo dito, may appointments ka na na nakahilera.

Try mo din sa inernational schools dahil may int'l experience ka na.
Logged

I don't aim to please, I just aim
Dai Po
Newbie
*

Karma: +2/-0
Favorite drink
AmerettoSour

Posts: 14
Referrals: 0

« Reply #11 on: Today at 02:55:56 PM »

Very good advice Buddhist Punk!

Logged
Filipinos in Thailand
   
Jobs of Filipinos in Thailand - Filipino Teachers in Thailand - Filipino Organizations in Thailand - Thai Visa Explained - Visiting Thailand

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Send this topic  |  Print  
 
Jump to: