January 09, 2009, 06:00:59 AM

Pages: [1]   Go Down
  Send this topic  |  Print  
Author Topic: pHiLoSoPhY oF lOvE  (Read 97 times)
kAmAtIs™
SP Elite Member (1000+ Posts)
*

Karma: +269/-6
Favorite drink
Water

Gender: Female
Posts: 5028
Referrals: 9


uHuHhHhH!!!


« on: November 20, 2008, 08:51:41 PM »



Bob Ong's  pHiLoSoPhY oF lOvE

 

1."Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2."Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3."Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4."Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5."Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

6."Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

7."Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

8."Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

9. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

10. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

11. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

12."Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

14. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatak­ot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."



........


Logged

"nOt AlL pEoPlE cAn UnDeRsTaNd ThE wAy I aM...sOmE mAy HaTe Me WhIlE sOmE wIlL lOvE...bUt FoR aLl Of ThIs, I sTiLl LoVe ThE wAy I aM cOz I dOn'T wAnT tO pReTeNd To FlAtTeR aNyOnE"................
Filipinos in Thailand
   


Jobs of Filipinos in Thailand - Filipino Teachers in Thailand - Filipino Organizations in Thailand - Thai Visa Explained - Visiting Thailand

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Send this topic  |  Print  
 
Jump to: