|
Saturday, 13 March 2004 |
|
Page 1 of 2 Author Roberto Anonuevo
Lango sa kasiyahan ang kaniyang gitara,
pakisap-kisap ang satori
sa kaniyang bisig at galang-galangan,
samantalang bihag
ng kaniyang tinig
ang lahat ng salaghati ng aming simoy.
Dumating siya isang gabi,
habang natutunaw na buntala
ang aming paningin.
Parang mga babaeng umiindak
ang kaniyang mga daliri
habang tumitipa,
noong una?y marahan, banayad
at maingat kumilos
hanggang bumilis, bumilis
at gumaslaw, lumandi?t rumikit.
Pagdaka?y nanumbalik
ang aming sigla,
kumawala ang hiyaw sa mga lalamunan,
kinalampag ang mga mesa,
sumiklab na elektrisidad ang palakpakan.
Tagaibang lupalop siya,
siya na may musika
na waring angkop sa aming daigdig:
nakapagbubulay kami
sa umaalugnignig niyang mga kuwerdas;
sa matarling ngunit matatalim
niyang tagtag tigtig tugtog.
<< Start < Prev 1 2 Next > End >> |